November 21, 2009
Ako lang pala ang hindi updated sa mga ka nyok ko na may blogspot.ph haha! Wala kasi akong mablog, lagi ako akong nasa bahay. Tapos kung aalis naman ako, sa MTC Academy naman punta ko. Walang kakwenta kwentang buhay ang boring wha!
Kung ako sa iyo wag mo ng ipagpatuloy na basahin ang blog na ito dahil boring. Boring ba? Hehe! Boring nga!
Buti na lang may DVD at VCD nakakapanood ako ng movies. Kundi, maaga akong mamatay sa sobrang kaboringan.
Filed under:
Personal by Ada Lajara
June 30, 2009
Nagkalagnat ako ng dalawang araw, sinat sa ikatlong araw, at binat sa ika-apat na araw. Kasalukuyan akong nagpapahinga, nakahiga, hawak ang cellphone, at patuloy na nagpplurk.
Nitong mga nagdaang araw, cellphone lang ang hawak ko, cellphone na wala namang nagtetext. Walang nagtetext sapagkat bago ang aking numero. Nagbago dahil sa lintik na PUK na yan. Salamat sa Balance inquiry, isang text lang reply agad.
Ako ay babalik muli sa blog hopping kapag ako’y tuluyan ng magaling. May bahid pa ng ubo ang aking lalamunan at sipon ang aking ilong. Dalawang araw din akong hindi naligo, kaya naman ang aking buhok ay masahol pa sa pinulupot na lubid ng pier. Ang tigas! (more…)
Filed under:
Personal by Ada Lajara
June 30, 2009
Tulad po ng blog ni Jehz, tagalog din ang blog na ito. Napansin ko lang, bakit kaya ang Pinoy kapag nagbblog ng Tagalog ay tila makata ang dating? Masyadong formal ang pagkakaTagalog. Tulad na lamang ng blog post na ito, napansin mo ba? Simula ngayon, ito ang blog ko kung saan ay ibubunyag ko ang mga sikretong na hindi niyo pa naririnig kahit kailan.
Ako po si Ada, BOW.
Filed under:
Personal by Ada Lajara
June 21, 2009
Ito po ay libre. Maraming Salamat Jehz!
Filed under:
Personal by Ada Lajara